ANG pagmamanok ay punom-puno ng drama at action lalo na kung talo ang iyong manok, ewan ko kung hindi ka pawisan, maiyak at maalala ang mga may sabit sa ‘yo, etcetera.
“I always give emphasis on indoor and outdoor facilities para umulan at umaraw ay iwas-disgrasya, all weather o anumang panahon po dapat,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Importante na mayroon tayong paglalagyan ng ating mga manok kung sakaling masama ang panahon, lalo na kapag may paparating na bagyo.
“Ang panahon po na bumabagyo ay isa po sa pinagdaraanan natin at ng ating mga manok kaya dapat mayroon tayong sapat na paglalagyan nila kasi kakayanin po ng manok ang kahit gaano kalakas na ulan huwag lamang may kasamang malakas na hangin,” ani Doc Marvin.
“’Yung manok mo na sakitin nang siya ay bata pa, doon ‘yan aabutin ng kamatayan sa talian niya kasi pinilit mo pa na buhayin kaya po dapat kapag nagkasakit lalo na kung sisiw pa lamang ay huwag nang gamutin, dapat ay sentensiya na agad,” dagdag pa niya.
At siyempre, kung gaano po karami ang ating alagang manok ay ganoon din po karami ang sakit ng ulo, kaya po dapat, kung magmamanok ay ‘yun lamang kaya mong alagaan.
“Paano kung binigyan ka ng pagkakataon na mag-bearing/qualified sa isang multi-million ang premyo na high-end derby, ibig sabihin ‘di ka makakalaban dahil nadisgrasya ng bagyo ang manok mo na pang finals, eh sa isang libong ulit ng pag-entry ay ‘di ka nakakasigurado na makaka-perfect score ka sa elimination at semifinals,” ang sabi ni Doc Marvin.
“Kung nanalo ka naman na basta na lang, ang alaga sa manok ay huwag mo na babaguhin kasi doon ka nanalo. Hindi po bale na matalo ang manok basta ginawa mo na ang lahat at huwag mong bigyan ng pagkakataon na makapagdahilan ang iyong manok na ipatalo ka. Kung ano ang alaga mo sa manok ay ‘yon din lang ang ibibigay niya sa’yo!” dagdag pa niya.
Sa panahon ng tag-ulan, water proof ang balahibo ng ating mga alagang manok dahil sa oil gland na matatagpuan sa ibabaw ng kanilang isul.
Inaayusan nila ang kanilang sarili most of the time, pinapahid po nila ‘yung oil sa feathers nila kaya ‘di sila nababasa ng ulan at dumudulas lang ‘yung tubig.
“Kaya po ‘yung healthy na manok, makintab ang balahibo. Balewala po sa kanila ang napakalakas na ulan huwag lang po malakas ang hangin kasi diyan sila hindi matunawan, ang mga inahin, tumitigil sa pag itlog at nakaka-dry po ito sa ating panlaban kung saan siya ay nagiging lambutin,” ani Doc Marvin.
“Hindi po ‘yon ang kanyang sexual organ, ‘yon ay lagayan ng langis. Wala namang nilalang ang Diyos na ang toti ay nasa ibabaw ng puwet. Importante po alam natin ito kasi isa ito sa indication na ang ating panlaban ay going on point, kung saan ang kanyang mukha ay kinukuskos niya roon kaya kapag maganda ang condition ng atin panlaban ay makintab, naglalangis langis ang kanyang mukha,” dagdag pa niya.
Scientific na aniya ang sabong ngayon kaya dapat marunong tayong bumasa ng ikinikilos ng manok natin.
“Pare-parehas na lang pong manok ‘yan, magkakatalo na lang sa pulso, pakiramdam at kung paano mo inalagaan,” ani Doc Marvin.
Comments are closed.