ANG ating mga alagang manok ay palagi pong naka-expose sa bacterias, viruses, protozoa, fungal infection etc. dahil wala naman silang pinggan kapag kumakain, walang tsinelas o sapatos na sapin sa kanilang paa.
“Kung iyon ngang tao sa loob ng bahay na nakatira may pinggan pa kapag kumakain, may medyas na may tsinelas pa at sapatos pa ay nagkakasakit ay ‘di mas lalo na po ‘yung manok na kapaligiran niya ay napakadumi at makalat,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
“Kapag umulan diyan na po active lahat ng mikrobyo at ‘yung may history na nagkasakit during growing stage/ habang pinapalaki na pinilit natin buhayin ay kalimitan ay siya ulit ang tinatamaan ng sakit na tuluyan na manghahawa sa mga healthy nating mga alaga kaya walang saysay ang bakuna at gamot kung hindi mo sila lilinisan,” ani Doc Marvin.
Ayon pa kay Doc Marvin, mahalaga na walang history of any form of sickness o hindi dapat nagkasakit ang ating mga alagang manok.
“Everytime na dumadaan ang matinding init at malalakas na bagyo at tag-ulan, usually ang bumibigay o ‘di kinakaya na maka-survive ng manok na dumaan sa matinding sakit,” aniya.
Sinabi pa ni Doc Marvin na dapat tingnan natin lagi kung nagtutunaw ng kanilang kinain lalo na ‘yung mga manok na naka-cord o nakatali.
“Kung ang ating mga alaga ay hindi sakitin during growing stage o habang lumalaki ay wala masyadong dapat alalahanin kasi matatatag sila sa anumang kalamidad ang dumating,” ani Doc Marvin.
“’Yung manok na sakitin noong sila ay bata pa na pinilit mo buhayin ay iyan po ang unang bumibigay o madaling tamaan ng sakit na magiging carrier/ hahawahan niya ‘yung mga healthy kaya doon po tayo dapat sa usapan na mga healthy lang. ‘Yon nga po manok na hindi nagkasakit ay natatalo ay lalo na po siguro ‘yung manok na nagkasakit! Ang pinakamabisa na gamot sa anuman sakit o karamdaman ng atin mga alaga para sa akin ay wala ng tatalo sa sila ay pagpapatayin!” dagdag pa niya.
Comments are closed.