NAIS mong palaguin ang negosyo mo ngunit ‘di ka sigurado kung paano ito gagawin?
Narito ang limang tips ko upang makatulong sa pagpasiya kung paano ito magagawa. Tara!
#1 Pasukan ang Isang Kilalang Merkado
Lagi nating sinasabi na ang mga milenyal ang susunod na malaking henerasyon na siyang nakaposisyon upang maging ma-laking merkado sa ngayon. May ginagawa ka ba para mapasukan ang merkado o niche na ito? Magsaliksik kung anoang mga produkto o serbisyo na makaaakit sa merkadong iyong nais pasukan. Tingnan ang mga kumpetisyon na nandiyan na. Sa pag-aaral mo ng mga bagay na ito, malalaman kung paano mo magagawang ayusin ang negosyo mo at palaguin ito, lalo na kung nariyan na pala ang mga mamimili, ‘di ba?
#2 Palawakin ang Merkado
Kung napasukan mo na ang merkadong ginagalawan mo sa ngayon, baka naman panahon na upang palawakin ang area na iyong ginagalawan. Isang halimbawa ay ang negosyong hamburger kung saan ang pangunahing kostumer mo ay kabataan. Kung lalagyan mo ng mga salad o mas magulay na hamburger sandwich, maaakit mo ang mga 40s pataas o kaya ang mga health-conscious. Kung maliit na sa ‘yo ang merkadong ginagalawan mo, palawakin ang sakop ng serbisyo o negosyo. O kaya ay sa ibang lugar ka naman magtayo.
#3 Referrals
Madalas marinig ang salitang ‘referral’ sa mga negosyong insurance, MLM at direct selling. Dahil na rin ang pag-endorso sa ‘yo ng ibang tao patungkol sa ibinebenta mo ay napakalaking bagay, ito rin ay isa sa paraan ng paglago ng negosyo mo. Kaya nga nauso ang pagkuha ng kilalang tao o artista sa pag-endorso ng negosyo dahil mas mabilis makakuha ng tiwala ng ibang tao dahil dito. Gumawa ka ng referral program simula sa iyong mga empleyado at tingnan paano ito makatutulong sa ‘yo. Lagyan mo lang ng insentibo ang bawat ma-refer nila sa ‘yo.
#4 Niche Marketing
Ang isang ‘market niche’ ay ang mas masinsing pagtuon sa isang merkado mo. Gaya ng pagtuon sa mga milenyal, puwede mo pang tingnan ang ‘niche’ (o mas focused na merkado) gaya ng mga babaeng milenyal na nakatira sa mga condo. Maaaring mas ma-liit ang merkado na ito ngunit mas madaling pagmulan ng benta at unti-unting palakihin pa. Ang mahalaga, masinsin mong pag-tuunan ang mga bagay na maaaring magbenta ng mga produkto o serbisyo mo sa kanila. Diyan ka magsimula kasi mura lang ang marketing.
#5 Palawakin ang Pagsaliksik sa Merkado Mo
Minsan kasi, kailangan mo lang saliksikin pang maigi ang merkadong ginagalawan mo ngayon bago ka pa lumabas dito. Gami-tin ang Google at Facebook sa panimula ng pagsaliksik dahil mayroon silang mga metrics na magagamit mo na agad. Kumonsulta na rin sa mga eksperto sa marketing para mas mabilis mong maituon ang plano patungkol dito.
Sa lahat ng bagay, ‘di tsamba-tsamba ang paglago. Pag-aralang mabuti ang mga hakbang, samahan ng dasal, at ikaw ay lalago!
o0o
Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Filipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe [email protected].
Comments are closed.