ANG mga rabbit ay kilalang mabilis magparami.
Ayon sa mga eksperto, anak nang anak ang mga babaeng kuneho.
Sabi nga, bibilang ka lang ng 28 hanggang 32 araw ay buntis na naman ito.
Isipin mo na lang kung gaano sila karami sa loob ng isang taon.
Kung susuriin daw kasi, aba’y pagkatapos manganak ng babaeng rabbit, maaari mabuntis muli dahil fertile na uli siya.
Natatandaan ko pa noong 2015, ginawang halimbawa ni Pope Francis ang mga kuneho nang sabihin niya sa mga mamamahayag na “hindi dapat tumulad sa mga rabbit” ang mga Katoliko.
Ang ibig sabihin, huwag namang anak nang anak.
Mahalaga raw na maging responsableng mga magulang ang lahat.
Maging ang Department of Agriculture (DA) ay aminado namang mabilis talagang magparami ang mga rabbit.
Ito raw ang dahilan kaya dumarami ang mga nag-aalaga ng kuneho sa bansa dahil masarap din daw ang karne nito.
Mainam daw itong animal protein alternative.
Nagulat ako nang malaman na pati ang kuneho ini-import na rin natin.
Kamakailan kasi ay naglabas ng import rules ang DA.
Inilatag sa memorandum circular ang transitory guidelines na may kaugnayan nga sa importasyon ng kuneho.
Dapat daw kasi ay ligtas ang importasyon at introduksiyon ng superior genetics mula sa labas ng bansa.
Sinasabing naglabas ang DA ng mga alitintunin bunsod ng pagdami ng mga aplikasyon ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPS-IC) para sa meat-type rabbit breeds.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tanggap na ng marami ang kuneho bilang alternatibong pagkukunan ng protina sa gitna na rin ng pagtaas ng halaga ng karneng baboy at manok ngayong pandemya.
Makabubuti naman daw sa industriya, para kay Association of Rabbit Meat Producers Inc. (ARaMP) President Art Veneracion, ang inilabas na import rules ng DA.
Sa ganitong paraan daw ay mare-regulate ang importasyon ng kuneho.
Malakas daw ang rabbit meat farming sa nakalipas na dalawang taon.
Kaya naman, dapat ang mga interesadong rabbit importer ay rehistradong legal entities at awtorisado ng Bureau of Animal Industry (BAI) bilang live rabbit importer at dapat din ay accredited ng ahensya ang kanilang rabbit farms.
Pinatitiyak nga rin ng BAI na ligtas at walang dalang sakit ang mga kuneho inaangkat mula sa ibayong dagat.
Nangangahulugan lamang ito na hindi dapat magpadalos-dalos ang mga negosyante.
Samantala, bagama’t pinayuhan noon ng Santo Papa ang mga Pilipino na hindi dapat tumulad sa mga kuneho, maaari nating gawing inspirasyon ito para magpursigi sa buhay at huwag anak nang anak.
Masasabing kawalan ng trabaho sa bansang ito dulot ng pandemya ang isa sa mga dahilan kaya hindi mapigilan ang pagdami ng tao.
Nariyan pa ang katotohanan na karamihan sa atin ay laging nasa loob lamang ng bahay.
Higit 100 milyon na ang populasyon ng bansa at patuloy pang dumadami.
Lalo pang makakaranas ng kahirapan at pagkagutom ang mga Pinoy kapag hindi ito nasolusyunan.
Laging nakakabit ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa pagdami ng krimen.
Talaga namang katulad ng mga rabbit ang ilang mga kababayan natin na waring hindi makontrol ang pagpaparami ng anak.
Sa kabilang banda, maaari rin naman nating gawing gabay o inspirtasyon ang sinabi ni Pope Francis para magkaroon ng rabbit farm.
Nararapat din namang kumilos ang pamahalaan para maiwasan ang pag-angkat nang pag-angkat ng mga produkto galing sa labas ng bansa, tulad ng rabbit.
Kung mabilis naman pala itong paramihin, bakit kailangan pang mag-angkat?
Siyempre, kasabay ng pagdami ng rabbit farms, tatatag ang supply ng pagkain at magdudulot ito ng maraming oportunidad sa trabaho.
Kung masosolusyunan ito ng gobyerno at maraming mabibigyan ng trabaho, tiyak na maiibsan ang bilang mga tambay sa bansang ito.
715908 260415I discovered your blog internet site internet site on the internet and appearance some of your early posts. Continue to maintain inside the excellent operate. I just now additional increase your Rss to my MSN News Reader. Seeking toward reading far more from you discovering out at a later date! 490451
451318 31697I come across your webpage from cuil and its high quality. Thnkx for giving this sort of an incredible post.. 631160
662786 405293so considerably amazing information on here, : D. 641210
479088 659241Sweet internet web site , super pattern , quite clean and utilize friendly . 157853
335202 387182Hello! Fantastic post! Please when I could see a follow up! 137335