(Palalawakin ng DA sa gitna ng El Niño phenomenon) WATER-SAVING TECHNOLOGY SA MGA SAKAHAN

PINAIGTING  pa ng Department of Agriculture (DA) ang adaptation at mitigation efforts nito upang hindi lubos na tamaan ng El Niño phenomenon ang sektor ng agrikultura.

Kabilang sa tinututukan ng DA ang low-water-use technology sa mga palayan nang makapagtanim pa rin ang mga magsasaka na mas tipid sa tubig.

Alinsunod na rin ito sa EO no. 53 na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para tiyaking maaalalayan ang mga magsasaka sa gitna ng banta ng El Niño.

Sa pagpupulong ng Task Force El Niño kamakailan, tinukoy ang “Alternate Wetting and Drying” farming strategies na maaaring i-adopt ng mga magsasaka at ang “Quick Turn Around” para agad makapagtanim ang mga ito kahit katatapos lang ng anihan

Ayon kay DA Asec. U-Nichols Manalo, nasa higit isang milyong magsasaka na ang naabot ng DA para sa implementasyon ng water-saving technology sa tinatayang 15,000 ektarya ng palayan.

Bukod dito, tinatarget din ng DA na maabot ang nasa higit 26,000 ektarya ng pananim para sa quick-turn-around strategy.

PAULA ANTOLIN