(Palalawigin ng LTFRB)PRANGKISA NG TRADITIONAL JEEPNEYS

KINOKONSIDERA ng transport regulators ang fourth extension ng prangkisa ng traditional jeepneys.

“The leanings of the board is probably to extend further ‘yung deadline doon sa modernization program,” wika ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III.

Ayon kay Guadiz, binubuo pa ng ahensiya ang rules and regulations ng extension.

Aniya, 60% lamang ng traditional jeepneys ang na~modernize.

“We do not want to leave anybody outside. Gusto sana namin at least 95% would be on board pag tinuloy na namin ‘yung modernization,” anang opisyal.

Ang jeepney modernization program ay isa sa priority programs ng Duterte administration upang tugunan ang mga problema na may kaugnayan sa transportasyon.

Layon nito na i-phase out ang mga luma at sira-sira nang jeepneys at palitan ito ng high-quality transport na environment-friendly at may mas malaking kapasidad.

Gayunman ay inalmahan ito ng ilang grupo dahil sa kawalan ng financial support sa jeepney drivers, lalo na ang maliliit na operators.