MAGIGING panauhin si Philippine Azkals team manager Dan Palami at ang Philippine women’s rugby team sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.
Magbibigay si Palami ng updates sa pinakabago sa Azkals, kabilang ang opening ng kanilang qualifying bids sa Setyembre para sa FIFA World Cup sa Qatar sa 2022 at sa AFC Asian Cup sa China sa 2023.
Makakasama ng long-time backer ng Philippine football sa public sports program na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga miyembro ng women’s rugby team, sa pangunguna nina coaches Chris Everingham at Fetalia Tauaa at players Happy Denuyo, Ada Milby, at Patricia Duffy.
Tatalakayin ni Milby, na siya ring secretary-general ng Philippine Rugby Union, ang mga paghahanda at medal chances ng koponan sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa 10:00 a.m. session.
Comments are closed.