Leanne Sphere
SOBRANG init ng panahon. Summer ma kasi. Kaya naman napapanahon ang negosyong io-offer naming sa inyo, ang palamig business. Sobrang popular nito sa totoo lang, dahil hindi lamang ito refreshing kundi murang mura din, at bagay na bagay pa ating mga Filipino na ang kabataan ay hinubog sa pag-inom ng samalamig sa kalsada pagkatapos manggaling sa iskwelahan.
Sige na nga! Aminin na rin nating mura lang ang puhunan dito at napakabilis pang ibenta kahit saan ka pumwesto.
Sa mga bagong negosyante, napakaganda nitong panimula dahil pwede kang mag-relocate kahit saan dahil ang kailangan lang naman dito ay isang plastic container at isang pansandok ng palamig.
Kung gusto mong mag-set-up ng stall, hindi rin naman napakahirap at lalong hindi magastos. Tama na ang isang table at isang silya plus ang plastic container na may ladle. Pumili ka ng location na mura lang ang upa. Pwede rin naman sa tapat na lang ng bahay mo.
Bago nga pala kayo magsimula, bibigyan ko muna kayo ng isang recipe na mura na, mabenta pa.
Sago at Gulaman
Sago
Gulaman
Kinudkod na yelo
Sugar syrup na may vanilla
Sago at Gulaman ang isa sa pinakapaboritong inumin ng mga Filipino na tinatawag nating “palamig.” Literal ang ibig sabihin – palamig o pampalamig, isang baso lang nito, lalamig na ang pakiramdam mokahit pa gaano kainit ang panahon. Ito yung hinahanap-hanap mo kahit tag-ulan, lalo na kung umalis ka sa Pilipinas. Ditto, pagsamahin mo lang ang sago, gulaman, vanilla, asukal at yelo, okaya na.
Kung summer, napakaraming nagbebenta ng samalamig at mind you, hindi sila nalulugi. Hindi lamang masarap at popular ang Sago at Gulaman kundi nostalgic din –– na nagbabalik sa mga alaala ng mga nagdaang tag-araw sa buhay mo.
E, paano ba gumawa ng sago at gulaman? Simple lang! Basta kailangan ninyo ng sago at gulaman, brown sugar, vanilla extract, at tubig.
Kapag luto na ang sago at gulaman, ihanda mo naman ang arnibal. Kapag handa na ang lahat, isalin ang 3 cups brown sugar sa kaserola at i-caramelize sa mahinang apoy. Kapag tunaw na ang asukal, lagyan ng 3 cups ng tubig at isang kutsarang vanilla extract. Pakuluin hanggang matunaw ng husto ang asukal.
Patayin ang apoy at palamigin. Kapag malamig na, pwede na itong i-serve. Ten pesos lang po ang isang baso.RCLNB