PALARO: GOMEZ DOUBLE GOLD WINNER

Algin Gomez

DAVAO CITY – Itinala ni Algin Gomez ang kanyang pangalan bilang unang double gold winner sa athletics sa Day 2 ng kumpetisyon sa Palarong Pambansa rito.

Gumawa naman si swimming wonder Alexie Kouzenve Cabayanan ng Wester Visayas ng bagong record, habang mainit na sin-imulan ng perennial overall champion National Capital Region ang kanilang pananalasa sa swimming sa pagsisid ng tatlong ginto.

Kinuha ni Gomez ang pangalawang ginto sa triple jump sa  14.62 meters subalit  bigo ang taga-Isa­bela na burahin ang ­Philippine record na 15.53 meters na naitala ni Joebert Delicano sa Arafura Games sa Darwin, Australia noong 1999.

Naiposte ni Caba­yanan ang bagong record sa 200m freestyle sa 2:15.76  upang wasakin ang naunang marka na 2:16.72 na ginawa ni Imee Joy Saavedra ng NCR noong 2014 sa Antique.

Nanalasa ang mga swimmer ng NCR na sina Marc Dula (50m butterfly 12-under boys, 29.67 seconds); Miguel Barreto (400m freestyle secondary boys, 4:08.68, at Camelle Lauren Buico (50m butterfly, 29.06 seconds).

Ang tatlong ginto nina Dula, Baretto at Buico ang ang saving grace sa kabiguan  ng kanilang counterparts sa athletics na dinom-ina ng Western Visayas, na  nanalo ng tatlong ginto sa kabayanihan nina Jandella de Asis sa shot put secondary girls (12.30 me-ters), Vince Jayson Buhayan sa 100m secondary boys (10-62 seconds), at Bennalyn Bejoy sa 400m hurdles secondary girls (62.59 seconds).

Mataas ang morale  matapos  na magwagi sa long jump, tinalo ni Gomez si John Mike Lera na nagkasya sa pilak sa 14.61 meters at napunta ang tanso kay Nino Clinton Neri na nagtala ng 14.55 meters. CLYDE MARIANO