HINDI rin pinaligtas ng 2019 Novel Coronavirus ang Palarong Pambansa at napilitan ang Department of Education (DepEd) na kanselahin ito para sa kaligtasan ng mga atleta.
Ngayon lang nangyari na kinansela ang Palarong Pambansa dahil sa nakamamatay na sakit na nagmula sa Wuhan, China at kumalat sa maraming bansa sa Asia, Europe, at Africa.
Nakatakda sanang ganapin ang school-based sports competition sa May1-9 sa Marikina Sports Complex.
Bukod sa Palarong Pambansa, kinansela rin ang mga regional meet tulad ng Central Visayas Athletics, Western Visayas Athletics, at Cagayan Athletics.
Labintatlong rehiyon, kasama ang perennial overall champion National Capital Region, ang kalahok sa taunang palaro.
Huling nilaro ang Palarong Pambansa sa Davao noong nakaraang taon. CLYDE MARIANO
Comments are closed.