DEDMA lamang ang Palasyo ng Malakanyang sa hangarin ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police na mailipat sila sa pangangasiwa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kahit saan ilipat ang IAS kung hindi naman ginagawa ang trabaho ay lalabas pa rin kung ano ang naging accomplishments nila.
Iniulat na hindi umano inaaksiyunan ng liderato ng PNP ang kanilang mga rekomendasyon laban sa mga inirereklamong pulis lalo na ang mga inakusahang ‘ninja cops’.
Ayon naman kay Panelo, maaring idemanda ng IAS ang opisyal na hindi umaksiyon sa kanilang rekomendasyon lalo na kung malakas ang ebidensiya sa mga inimbestigahang mga pulis.
Hindi naman pabor si DILG Secretary Eduardo Año sa nais ng IAS na ilipat sila sa DILG dahil kahit saan naman ilagay ang ahensiya kung hindi nagagawa ng maayos ang trabaho ay ganoon pa rin ang magiging resulta nito.
Comments are closed.