HINDI na iaapela pa ng Palasyo ng Malacañang ang hakbang ng Estados Unidos na huwag nang papasukin sa Amerika ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.
Ito ay matapos na lagdaan ni U.S. President Donald Trump ang U.S. 2020 national budget kung saan kabilang dito ang probisyon na nagbaban sa mga opisyal ng gobyerno na makapasok sa Amerika dahil sa umano’y wrongful imprisonment kay De Lima.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatalima ang pamahalaan sa kautusan na ito ng Estados Unidos, ngunit iginiit ni Panelo na naaayon sa batas ang pagpapakulong sa senadora.
Dagdag pa ni Panelo, nakasaad din sa probisyon na nilagdaan ni Trump na maaari namang bawiin ang naturang kautusan sa oras na mapatunayan na hindi “credible” ang mga natanggap na impormasyon ng Estados Unidos.
Matatandaang una nang tinawag na politically motivated ng Malacañang ang naturang hakbang lalo na’t mistulan aniyang nakikialam ang Amerika sa hurisdiksyon at justice system sa Filipinas. DWIZ882
Comments are closed.