PALASYO HANDS OFF SA PROCUREMENT NG AFP

NANINDIGAN si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi mamamanipula o naimpluwensiyahan ng Malakanyang ang procurement ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang naging reaksiyon ni Lorenzana sa pagtatanong ni Senador Antonio Trillanes IV na may ilang mga maimpluwensiya sa Palasyo ang nakikialam sa procurement ng AFP base sa nakuha nitong impormasyon mula sa militar.

Paliwanag ni Lorenzana, malabong mangyari ang nakuhang impormasyon ni Trillanes dahil collegial decision ang pro-curement sa AFP kabilang ang kalihim at ilang senior officers ng Sandatahang Lakas.

Aniya, nagpupulong ito kasama ang ilang senior officers ng AFP dalawang beses sa isang buwan upang desisyunan kung ano ang popondohan sa proyekto ng militar.

Bukod dito, iginiit din ni Lorenzana na nagbubuo rin sila ng komite para sa pagpo-procure ng proyekto ng AFP kung kaya’t malabong mangyari ang sinasabing impormasyon ni Trillanes kaugnay sa pagmamanipula ng Malakanyang sa procurement ng sandatahang lakas ng bansa. VICKY CERVALES

Comments are closed.