INIHAHANDA na ng Department of Budget and Management ang P5.768 trilyong panukalang budget para sa susunod na taon.
Siinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nasa final stages na ngayon ang 2024 national budget para maisumite sa Kongreso pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Iprinisinta na ni Pangandaman kay Pangulong Marcos Jr., ang panukalang budget at ilalatag niya ito sa Cabinet meeting para sa final approval.
Umaasa si Pangandaman na agad na maaprubahan ang panukalang budget.