PALASYO HINDI IPINATIGIL ANG PAGPATROLYA SA WEST PH SEA

west-philippines-sea

MARIING itinanggi ng Malacañang na inatasan nito ang Armed Forces of the Philippines na itigil na ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, imposibleng ipag-utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na’t batid nito ang kahalagahan ng mga ginagawang pagbabantay ng AFP sa pinag-aagawang karagatan.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lo­renzana, walang katotohanan ang naturang claim ni Cong. Gary Alejano.

Una nang sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, na isang malinaw na paninira sa Pa­ngulo ang inilabas na ulat ng kongresista.

Comments are closed.