KINONDENA ng Malakanyang ang naging pahayag ng London based think tank na Capital Economics na mas maraming mamumuhunan ng negosyo sa bansa kung papalitan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
Ito ay matapos isiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na maganda ang lagay ng kanyang kalusugan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, panghihimasok ang ginagawa ng soberAnya kaugnay sa kung sino ang dapat mamalakad ng bansa.
Aniya, dapat na mag-ingat ang bise presidente sa pagtanggap ng mga payo dahil baka imbes na makatulong ay maaaring ikasira lamang ito ng bansa.
Sa huli, iginiit rin ni Panelo na hindi matumal ang foreign direct investment sa bansa nang magsimula ang Duterte administration dahil mas dumami pa ang namuhunan sa Filipinas batay sa ulat ng economic managers.