NABABAHALA ang Malakanyang sa napaulat na hacking incident sa server ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, nakababahala ang naturang balita kung totoo.
Sinabi ni Nograles na mas makabubuting hintayin na muna kung ano ang magiging opisyal na pahayag ng Comelec.
Bineberipika na ng Comelec ang ulat ng hacking incident.
Samantala, maglalabas ang Comelec ng final report ngayong linggo kaugnay sa ulat na hacking ng kanilang server.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na iniimbestigagan na ang insidente.