AGAD nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pagpanaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim alas-8 ng umaga sa edad na 65.
Sa statement na pinalabas ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi niyang labis na mangungulila ang administrasyon at ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ni Lim na isang propesyonal at mapagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan.
“MMDA Chair Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed,” sabi pa ni Roque.
Noong Disyembre 29 ay na-diagnose si
Lim na infected ng COVID-19.
Si Lim na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Makatarungan Class of 1978 at pumasok din sa US Military Academy o isang West Pointer ay isang decorated officer.
Naging kontrobersyal nang itatag ang Reform the Armed Forces Movement (RAM) at mamuno sa 1989 coup attempt laban sa administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino gayundin sa panawagang pagpalatalsik noon kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo taong 2007.
Noong 2010 si Lim na tumakbo bilang senador ay nagsilbi rin bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino subalit nagbitiw noong Hulyo 2013.
Samantala, taos na nakiramay ang Malakanyang sa mga naulila ni Lim at nanalangin para sa kaluluwa ng dating magiting na sundalo.
“May the perpetual light shine upon him, and may his soul, through the mercy of the Almighty, rest in eternal peace,” ayon sa pahayag ng Malakanyang. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.