PALASYO NAGLAAN NG P25-M MEDICAL ASSISTANCE SA PNP

Special Assistant to the President Bong Go

MAKATATANGGAP ang Philippine Na­tional Police ng P25 milyon  na medical assistance kada buwan mula sa Malacañang.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang medical assistance para sa mga pulis na gugugulin sa pagbili ng gamot at pagpapaospital.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na makaaasa ang PNP na agad na popondohan ang buwanang ayuda ng Malacañang kapag ito ay nagamit na.

Ang nasabing medical assistance ay bukod sa planong  pag-upgrade sa PNP General Hospital na nasa loob ng Kampo Crame sa Quezon City.

Plano ng Pangulo na mamo-modernize ang PNP Hospital gaya ng ginawa sa V. Luna Hospital na nasa ilalim naman ng pangangasiwa ng Armed Forces of the Philippines na tumututok sa mga panga­ngailangang medical at hospitalization ng mga sundalo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.