PALASYO NAGPALIWANAG KUNG BAKIT HINDI SI DUTERTE ANG NAG-ABOT NG DIPLOMA

Spokesman Salvador Panelo-2

DALAWANG oras lamang ang tulog ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte nang dumalo sa graduation rites ng mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) noong Linggo sa Fort del Pilar, Baguio City.

Ito ang paliwanag ng Malakanyang nang punahin kung bakit si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang namahagi ng mga diploma sa mga nagtapos na kadete.

“He usually sleeps at 6 am, he had to wake up at 8:30 am for the PMA graduation rites so he had only two hours sleep,” sabi pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo,

Ayon pa kay Pa­nelo, maraming mga dokumentong binasa kabilang na ang mga report ng iba’t ibang ahensiya ng gob­yerno at mga pinirmahang papeles ang Pangulong Duterte bago ang PMA graduation kaya kulang ito sa tulog.

“He is a night person. He was so sleepy when he arrived at the venue. He struggled to be awake. The protocol in distributing diplomas is either he does it himself or he tasks the Secretary of National Defense to do it,”  paliwanag pa ni Panelo.

Ayon kay Panelo, walang nilabag na tradis­yon sa PMA graduation rites ang Pangulo dahil batay sa protocol,  ang Presidente  o maaari nitong atasan ang secretary of National Defense na gumawa nito.

Sinabi pa ni Panelo na inireserba ng Pangulo ang kanyang lakas sa iba pang  parte ng seremonya kaya nang magtalumpati ang Pangulo ay nakita naman ng publiko ang kanyang pangkaraniwang pagiging alerto at mapagbiro.

Pinuna ng netizens sa social media ang Pangulo na kinakitaan ng sobrang antok habang dumadalo sa PMA graduation rites habang ang iba naman ay kinuwestiyon ang kondisyong pangkalusu­gan nito.

Tiniyak ni Panelo na malusog ang Pangulo na kayang bumiyahe sa Japan sa imbitasyon na rin ni  Prime Minister  Shinzo Abe.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.