NAKIDALAMHATI ang Malakanyang sa pagpanaw ni dating US President George H. W. Bush sa edad na 94.
Ipinaabot ng Malakanyang ang taos-pusong pakikiramay at panalangin sa pamilya at kaibigan ni G. Bush at maging sa gobyerno at mamamayan ng Amerika.
Si Ginoong Bush, Sr. ang ika-41 pangulo ng Estados Unidos at binigyan ng kredito para sa kanyang foreign policy na nagbigay tuldok sa Cold War.
“He stood for freedom and his words about the subject ring a bell until this day when he said, “The anchor in our world today is freedom, holding us steady in times of change, a symbol of hope to all the world,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Ang pagkamatay ni Bush ay inianunsiyo sa pamamagitan ng isang statement na inisyu ni spokesman Jim McGrath. Wala pang ibang detalyeng inilabas tungkol sa pagkamatay ng dating pangulo.
Dalawang termino ang itinagal ng dating pangulo na ama ni dating pangulo rin ng Amerika na si George W. Bush.
Pitong buwan pa lamang ang nakalilipas nang pumanaw ang kabiyak ni Bush na si dating first lady Barbara Bush na kasama nito sa loob ng 73 taon.