PALASYO NAKIRAMAY KAY LENI

Salvacion Gerona

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ng ina ni Vice President Leni Robredo na si ginang Salvacion Gerona.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na kilala si Ginang Sally ang hindi matatawarang pagbibigay loob at pagiging dedikado nito sa pagtuturo.

Si Ginang Sally ay  sumakabilang buhay sa edad na 83 bagama’t hindi na partikular na tinukoy ng pangalawang Pangulo ang sakit nito.

Sa kabila ng kaniyang edad, hindi nagpaawat si Ginang Sally sa kaniyang pagtuturo sa Universidad De Santa Isabel sa Naga City.

Binuksan na sa  publiko ang burol  para kay Ginang Sally sa  Eternal Gardens sa Ba­latas Road, Naga City sa Camarines Sur.

Comments are closed.