NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ng limang nasawi sa naganap na lindol sa Mindanao region noong Miyerkoles ng gabi.
“The Palace is saddened by this unfortunate incident and, in the meantime, wishes to express its sympathies to those who were affected thereby,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ginanap na press briefing kahapon.
Nanawagan si Panelo sa publiko na maging kalmado subalit nakaalerto at iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay sa lindol na aniya’y magdudulot lamang ng pagkabahala, panic at stress sa publiko.
Ayon kay Panelo, mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang Mindanao region.
Inatasan na ng Office of the President ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kumilos at tiyakin na mabibigyan ng kaukulang ayuda at suporta ang mga naapektuhan ng lindol.
Pinag-aaralan na rin sa ngayon kung paano agarang makapagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga lugar na nasira ng lindol. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.