NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Malacañang sa mga naulila ng mga nasawi sa mass shooting sa California, USA.
Nag-alay rin ng dasal ang Palasyo sa pamilya ng mga nasawi.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo Jr., na kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang Filipino-American na nasawi sa mass shooting.
Kinilala ang biktima na si Alaina Punzalan Housley, 18, freshman student sa Pepperdine University.
“We express our deep condolences to her family and loved ones,” ani Sec. Panelo.
Patuloy na naka-monitor ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga kaganapan ng nasabing trahedya at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at maging sa mga lider ng Filipino-American community upang malaman kung may mga biktima o nasaktan mula sa bilang na 25,879 Filipinos at Filipino-Americans na nakatira sa Ventura County.
Comments are closed.