(Palasyo sa gov’t agencies) PH HOSTING SA ASEAN PARA GAMES SUPORTAHAN

malakanyang

INATASAN ng Malacañang ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na suportahan ang hosting ng bansa sa 10th ASEAN Para Games sa susunod na taon.

Sa Memorandum Circular No. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Set. 26 subalit ipinalabas lamang kahapon, inaatasan ang lahat ng national at local government offices na suportahan ang mga ahensiya na nangunguna sa mga pag­hahanda para sa hosting ng games.

Sa pangunguna ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Paralympic Committee, nakatakdang i-host ng Manila ang biannual sports meet noong Enero 2020.

Ang mga kalahok sa event ay ang mga atleta na may physical disabilities mula sa mga bansa sa Southeast Asia.

“The successful organization and hosting of the 10th ASEAN Para Games requires the involvement, coordination and support of government agencies, the different national sports associations, local government units and the private sector,” nakasaad sa emorandum .

Humingi rin ng suporta ang Malacañang sa non-government organizations, schools, at private businesses para sa hosting ng bansa sa games.