HINIMOK ng Malacañang ang mga miyembro Bangsamoro na suportahan ang paglikha ng bagong re-hiyon ngunit manatiling mapagbantay para sa kanilang karapatan.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo ang pahayag makaraang ilabas ng Comelec ang final tally nito sa ginanap na Bangsamoro Organic law o BOL plebiscite noong Enero 21.
Ayon sa Comelec, mahigit 1.5 milyong botante mula sa pitong lugar sa Mindanao ang bumoto ng “Yes“ para sa ratipikasyon ng Bangsamoro law, samantalang mahigit 198,000 lamang ang bumoto ng “No.”
Sinabi ni Panelo, na umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na maitatama na ngayon ang historical injus-tices na nagawa laban sa mga miyembro ng Bangsamoro.
Tiwala ang Palasyo na sa pamamagitan ng BOL, magkakaisa na ang lahat ng stakeholders para maging maayos at matagumpay ang itatatag na autonomous government na tutugon sa mga pangangailangan ng mga taga-Bangsamoro na nasa hurisdiksiyon ng BARMM.
Bunsod nito, nanawagan naman ang Palace spokesman sa lahat ng tumutuligsa sa bagong batas na irespeto at suportahan ang naging pasya ng nakararami.
Sa ngayon ay tinututukan na ng pamahalaan ang BOL plebiscite sa darating na Pebrero 6 na gaganapin sa anim na bayan ng Lanao del Norte at 39 na baryo at 28 barangay ng North Cotabato. JOPEL PE-LENIO–DWIZ882
Comments are closed.