PALAWAN ASF-FREE NA ULIT

asf

MULING idineklara ang lalawigan ng Palawan bilang African swine fever- (ASF) free zone matapos ang epidemya kamakailan na tumama sa isang island barangay sa bayan ng Magsaysay.

Inanunsiyo ng Provincial Veterinary Office (ProVet) nitong Biyernes na ang Palawan ay binigyan na ng ‘clean bill of health’ ng Bureau of Animal Industry (BAI) kasunod ng agad na pag-aksiyon ng provincial government offices na nagresulta sa mabilis na pagkontrol at pagpuksa sa ASF sa apektadong village.

Ayon kay Dr. Darius Mangcucang, officer-in-charge ng ProVet, ang lalawigan ay klinaklasipika na ngayon bilang isang “dark green zone” sa ilalim ng national zoning prevention and control plan ng Department of Agriculture (DA), na nagpapakita na wala nang ibang active ASF cases na nananatili doon.

“Dark green zone means that Palawan remains ASF-free.

Although we had an incursion of ASF, we were able to contain it right away. The disease did not leave Barangay Cocoro. The virus did not even reach the other villages of Magsaysay town,” sabi ni Mangcucang.

Ginawa niya ang paliwanag makaraang sertipikahan ng BAI, sa kahilingan ng ProVet, ang bayan ng Magsaysay, kasama ang buong lalawigan, bilang ASFfree dahil sa mabilis at ganap na pagkontrol sa outbreak sa Cocoro.

Ang ASF-free stamp ay nagpapahintulot sa piggeries sa lalawigan na ipagpatuloy ang pag-export ng kanilang mga produkto sa labas ng lalawigan.

Isinagawa ito ma- karaang pawang magnegatibo sa sakit ang blood samples nakolekta mula sa mga baboy sa mga bayan ng Magsaysay at kalapit na Cuyo sa pagitan ng Sept. 18 at 19.

Sinabi ni Mangcucang na kinumpirma ng tests na muli na namang ASF-free ang Palawan.

Magugunitang iniulat noong July ng agriculture at veterinary authorities ang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng domestic pigs sa bisinidad ng Cocoro, na nag-udyok sa ProVet na magsagawa ng imbestigasyon sa tulong ng BAI.

Noong Aug. 24, natukoy ng BAI na ang ASF ang sanhi ng pagkamatay ng tinatayang 300 baboy sa village

Ayon kay Mangcucang, ang virus ay maaaring nagmula sa Antique, kung saan mayroong ASF.

(PNA)