PUERTO PRINCESA CITY– Mamumuhunan ang Yamang Bukid Farm, isa sa ‘most visited tourism destinations’ sa Palawan, sa dairy production upang makatulong sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga school children, lalo na yaong mga nasa pampublikong eskuwelahan.
Ito ay makaraang makakuha ang farm tourism destination sa Barangay Bacungan ng soft loan mula sa Philippine Carabao Center (PCC) para mag-alaga ng imported at high quality breed ng kalabaw na maaaring pagkunan ng gatas at iba pang dairy products.
Ayon kay Dr. Arnel del Barrio, executive director ng PCC, may 11 Murrah buffaloes ang inisyal na ipinagkaloob ng Nueva Ecija-based state animal propagation hub sa isang ‘public-private partnership scheme’ sa Puerto Princesa City farm destination.
“This is part of our carabao enterprise development wherein we help cooperatives, individual farmers (and) families by lending them the carabaos like a soft loan. Beneficiaries like Yamang Bukid Farm repay it with another carabao which will be given to (an-other beneficiary),” wika ni Del Barrio.
Sampung babaeng kalabaw at isang toro ang tinanggap ng Yamang Bukid Farm at agad na ipinadala mula sa Nueva Ecija.
Habang nasa dagat, isa sa apat na buntis na kalabaw ang nagsilang ng isang malusog na female calf na pinangalanang ‘Baby YB’.
Ayon kay Hezir Rabaya, isa sa managers ng farm na sumundo sa kawan, isang concrete barn ang itinayo sa isang burol para maging tirahan ng mga hayop.
“We have enough facilities and personnel for this project,” ani Rabaya.
Ang farming destination, ani Rabaya, ay maraming empleyado na sumailalim sa pagsasanay sa quality milk production sa PCC kamakailan.
Ang naturang mga empleyado ng Yamang Bukid ang siyang tutulong sa kanya sa pag-aalaga sa imported water buffaloes at sa pagsasagawa ng milk production.