PALAWAN, KRITIKAL SA GIYERA SA WEST PH SEA

palawan

KRITIKAL  ang lalawigan ng Palawan sakaling magkaroon ng giyera sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Dutere sa kanyang talumpati kama­kalawa sa pagdiriwang ng kauna-unahang Subaraw Bio-diversity Festival sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa Pangulo,  tiyak na mapupunta sa Palawan  ang mga lalampas na mga bala mula sa mga sasakyang pandigma dahil ito ang isla na pinakamalapit sa West Philippine Sea.

Inulit ng Pangulo na hindi kaya ng Filipinas na makipagdigma sa ibang bansa.

Sa kabila nito ay sinabi ng Pangulo na  hindi siya papayag na lagyan ng anumang mga armas na pandigma ang Palawan sakaling nais ng ibang bansa na makisali sa tensiyon sa West Philippine Sea.

2 thoughts on “PALAWAN, KRITIKAL SA GIYERA SA WEST PH SEA”

  1. I’d been honored to get a call from a friend as he found the important tips shared in your site. Reading through your blog post is a real wonderful experience. Thanks again for thinking about readers much like me, and I desire for you the best of success as being a professional realm.

Comments are closed.