NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magaya ang Palawan sa Boracay.
Inatasan ng Pangulo ang mga opisyal ng Palawan na pangalagaan ang isla at protektahan ito mula sa overexploitation upang hindi matulad sa Boracay na isinara at isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
Ayon sa Pangulo, dapat iwasan ang overcrowding sa isla at huwag hayaang magkaroon ng mga hotel malapit sa beach.
Aniya, ang beach at dagat ay para sa mga tao at pagmamay-ari ng national government.
Nanawagan din si Duterte sa pamunuan ng mga hotel na tumulong sa pangangalaga sa Palawan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang tourist attractions tulad ng El Nido at Coron.