PASOK ang Palawan sa world’s most desirable islands ngayong taon.
Batay sa UK-based publication na Wanderlust Travel Magazine, nasa ika-10 puwesto ang Palawan sa nasabing listahan.
Nakilala ang Palawan dahil sa tropical landscapes, clear waters, at white-sand beaches nito.
Nanguna ang Sri Lanka sa listahan ng ‘Most Desirable Islands’ sa buong mundo, habang pumangalawa ang Taiwan, at pangatlo ang Puerto Rico.
Ang iba pa na nasa top 10 ay ang Tobago, Tasmania, Bermuda, Cuba, Barbados, at Madagascar.
Ayon sa Wanderlust, mahigit tatlong milyong boto ang ibinigay ng kanilang 168,000 readers para sa annual travel awards.
Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ng travel magazine ang Palawan. Noong 2022, ang island ay nanguna sa “Most Desirable Island” nito sa world list.