PALAY BAGSAK PRESYO, P15.94 NA LANG KADA KILO

PALAY-9

BUMAGSAK ang farm gate price ng palay sa 8-year low, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ulat ng PSA, hanggang noong ikatlong linggo ng Setyembre, ang presyo ng palay ay nasa P15.94 kada kilo, mas mababa ng mahigit sa 30 porsiyento sa ­presyo noong nakaraang taon.

Bumaba ang presyo ng hanggang P10 kada kilo sa ilang lugar kung saan ang  pinakamataas na presyo ay nasa P21.

Sa Filipinas, ang production cost ng palay ay nasa P12/kilo kaya nangangahulugan ito na palugi nang ibineben-ta ng mga magsasaka ang kanilang produkto.

Ang Central Luzon, partikular sa Bulacan, ang nagtala ng pinakamababang farm gate prices.

Sa pinakabagong datos, 10 lalawigan lamang ang nag-ulat ng presyo sa P12-level o mas mababa. PILIPI-NO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.