PALAY NA P20 PER KILO IPINABIBILI SA GOBYERNO

PALAY OUTPUT

HINILING ng Makabayan sa Kamara na ipag-utos na ni Pangulong Duterte ang pagbili ng palay sa mga local farmer sa halagang P20 kada kilo.

Giit ng Makabayan, si Pangulong Duterte ang res­ponsable sa krisis sa bigas na nararanasan sa bansa.

Dapat umanong bumili ang gobyerno ng maramihan na palay mula sa mga lokal na magsasaka sa presyong P20 per kilo mula sa kasalukuyang P17 per kilo at gawin itong available sa lahat ng mga tindahan sa bansa sa murang halaga.

Paliwanag ng Makabayan, ang P7 bilyon na subsidiya ng gobyerno para ngayong taon kung ibibili ng palay sa halagang P20 kada kilo ay makakalikom ng 350,000 metric tons ng palay o 4.5 million bags ng milled rice.

Dapat ding samantalahin ng pamahalaan ang harvest season sa bansa dahil makatutulong ito para kumita ang mga local farmer at sa pagpuno ng kakula­ngan sa suplay ng bigas.

Inirekomenda din ng Makabayan na sa halip na i-abolish ang NFA ay dapat pa ngang taasan ang budget ng ahensya para sa pagbili ng palay sa mga magsasaka.

Hinimok din ang pagpapataw ng price control sa Zamboanga Peninsula at iba pang lugar sa bansa para matigil ang manipulasyon sa presyo ng bigas ng mga rice cartel.                                        CONDE BATAC

Comments are closed.