CAGAYAN- NANGUNGUNA ang National Food Authority (NFA) sa may pinakamaraming nabiling palay sa Region-2 na umaabot na sa 220k sakong inani ng mga magsasaka mula nitong buwan ng Setyembre hanggang ngayong Oktubre.
Ayon kay Dr. Emerson Ravila, Provincial Manager ng NFA- Cagayan, patuloy ang pagbili nila ng palay upang maabot ang target ng kanilang tanggapan na makabili 3 milyong sako hanggang sa buwan ng Disyembre.
Samantala, patuloy pa rin ang NFA- Cagayan sa disbursal operation ng palay na bahagi ng down stream upang mailipat sa mga malalaking bodega ng stocks na binili sa mga magsasaka.
Inihayag ng pamunuan ng NFA, P19 ang bili nila sa clean and dry na palay habang ang presyo ng sariwa ay nasa P15.6 – P18.95 depende umano sa moisture content nito.
At ngayong araw, maari na umanong umpisahan ng nasabing tanggapan ang paggiling ang kanilang nabiling palay para sa local stock requirements at maging sa National Capital Region.
Gayundin, maging sa lalawigan ng Quirino, ayon kay NFA Provincial Director Ramon Palada ay kasaluyan na rin silang namimili ng mga aning palay mula sa mga magsasaka na ang kanilang target ay hanggang 70k upang sa pagdating ng taong 2021 ay maari na umanong nilang maibenta sa kanilang nasasakupan. IRENE GONZALES
Comments are closed.