INAASAHANG bababa ang palay output ng bansa sa third quarter ng 4.2 percent sa 3.25 million metric tons (MMT), mula sa 3.39 MMT volume noong nakaraang taon dahil sa pinsala ng bagyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pinakabagong forecast report ng PSA, hanggang noong Setyembre 1, ang total harvest area sa July-to-September period ay bababa ng 3.4 percent sa 823,640.58 hectares mula sa 852,630 hectares noong nakaraang taon.
Gayundin, ang ani kada ektarya ay inaasahang bababa sa 3.94 MT per hectare mula sa 3.98 MT per hectare noong nakaraang taon.
“The effect of southwest monsoon or ‘Habagat’ in July, enhanced by typhoons ‘Henry’, ‘Inday’ and ‘Josie’ during the reproductive and maturing stages of the crop may cause the probable drop in palay production in most provinces of Northern Luzon,” nakasaad sa ulat ng PSA. “Bulk of the decrement may come from Nueva Ecija.”
Sinabi pa ng PSA na nasa 281,730 hectares o 34.21 percent ng updated standing crop ang naani na.
“Of the 2,260.84 thousand hectares standing crop, 26.2 percent were at vegetative stage, 56.2 percent at reproductive stage, and 17.6 percent at maturing stage,” anang PSA.
Sa parehong report, sinabi ng PSA na ang total corn output ng bansa sa third quarter ay maaaring bumaba ng 16 percent sa 2.176 MMT, mula sa 2.589 MMT noong 2017. JASPER ARCALAS
Comments are closed.