MAAARING bumaba ang palay output ng bansa sa second quarter ng 1.8 percent sa 4.07 million metric tons (MMT) mula sa 4.15 MMT na naitala sa kaparehong panahon noong 2017, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kanilang pinakabagong production forecast report, itinaas na ng PSA ang palay production estimates nito para sa second quarter mula sa naunang pagtaya na 4.05 MMT dahil sa mas magandang planting conditions sa ilang rice-producing regions.
“The increments in palay production are foreseen in Isabela, Nueva Ecija, Laguna, Quezon and Mindoro Oriental,” wika ng PSA.
“These may be attributed to sufficient water, lesser incidence of pests and diseases coupled with good weather condition during the cropping period,” dagdag ng PSA.
Sa kabila ng inaasahang pagtaas ng produksiyon sa ilang rehiyon, ang total April-to-June production volume ng bansa ay mas mababa pa rin sa naitala noong nakaraang taon dahil sa mas maliit na harvest area at mas kaunting ani.
Ayon sa PSA, ang total palay harvest area sa second quarter ay bababa ng 1.54 percent sa 932,640 ektarya mula sa 947,190 ektarya noong nakaraang taon. Gayundin, ang ani ay maaaring magkasya sa 4.37 MT kada ektarya mula sa 4.38-MT-per-hectare level noong nakaraang taon.
Sa kanilang naunang forecast report, tinukoy ng PSA ang maagang pagtatanim at pag-aani ng mga magsasaka sa huling dalawang quarters sa pagbaba ng produksiyon ng palay.
“This was worsened by the conversion of palay areas to commercial and industrial establishments coupled by insufficient water supply in some rice-producing provinces,” dagdag pa ng PSA. JASPER ARCALAS
Comments are closed.