MAAARING bumaba ang produksiyon ng palay sa bansa sa second quarter ng 2.43 percent sa 4.049 million metric tons (MMT) dahil sa pagliit ng farm area at sa kakulangan ng supply ng tubig, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kanilang quarterly forecast, sinabi ng PSA na ang rice harvest area sa April-to-June period ay maaaring bumaba ng 1.54 per-cent sa 933,000 ektarya, mula sa 947,000 ektarya sa kaparehong panahon noong 2017.
Batay pa sa pagtaya ng PSA, ang average na ani sa three-month period ay bahagyang babagsak sa 4.34 MT per hectare, mula sa 4.38 MT-per-hectare level noong nakaraang taon.
Ang bansa ay nakapagprodyus ng 4.150 MMT ng bigas sa second quarter ng 2017.
“Probable reductions in output may come from Cagayan Valley, Western Visayas, Zamboanga PEninsula and SOCCSKSARGEN,” nakasaad sa PSA report na may titulong “Rice and Corn and Situation Outlook”.
“These may be attributed to: contraction in harvest area brought about by early planting and harvesting during the last two quar-ters [and] conversion of some areas to comercial and industrial establishments,” dagdag pa ng PSA.
Sinabi pa ng PSA na ang kakulangan ng supply ng tubig sa ilang lugar sa panahon ng pagtatanim ay salik din sa inaasahang pagbaba ng total palay output sa second quarter.
Gayunman, sa kabila ng inaasahang pagbagsak sa second-quarter output, ang produksiyon ng palay ng bansa sa first half ay ta-taas pa rin ng 1.20 percent dahil sa mataas na volume na naprodyus sa first quarter.
“Palay production for January-June 2018 may reach 8.67 million MT, 1.20 percent higher than the 8.57 million MT output in 2017,” wika ng PSA.
“Harvest area may increase from 2.10 million hectares to 2.12 million hectares. Yield per hectare may contract by 0.32 percent, from 4.09 MT per hectare in 2017 to 4.08 MT in 2018,” sabi pa sa PSA report.
Ang bansa ay nagprodyus ng 4.62 MMT ng palay sa first quarter, mas mataas ng 4.61 percent sa 4.42 MMT na naitala sa Janu-ary-to-March period noong nakaraang taon.
Ang harvest area at average yield sa nasabing quarter ay tumaas din ng 3.48 percent at 0.54 percent, ayon sa pagkakasunod.
“Harvest area expanded from 1.15 million hectares to 1.19 million hectares. This quarter’s yield increased by 0.54 percent from 3.85 MT per hectare to 3.87 MT per hectare,” anang PSA.
Sa parehong report, sinabi ng PSA na ang corn output sa second quarter ay inaasahan ding bababa ng 3.76 percent sa 1.28 MMT dahil sa contraction at kaunting ani.
“Harvest area may contract from 401,510 hectarees to 391,260 hectares or by 2.55 percent. Yield may decline from 3.31 MT per hectare to 3.27 MT per hectare,” dagdag ng PSA. JASPER ARCALAS
Comments are closed.