POSIBLENG sumipa ang produksiyon ng palay sa bansa sa first half ng 1.56 percent sa 8.703 million metric tons (MMT) mula sa 8.569 MMT na naitala noong nakaraang taon sa likod ng mas mataas na first quarter output, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pinakabago nitong output forecast, itinaas ng PSA ang pagtataya nito para sa palay production para sa April-to-June period sa 4.08 MMT, mula sa naunang projection na 4.05 MMT.
“Additions in palay production are foreseen in Isabela, Nueva Ecija, Laguna, Quezon, Mindoro Oriental and Surigao Sur resulting from control of pests and diseases and sufficient water supply during the cropping period,” nakasaad sa report ng PSA.
Gayunman, sa kabila ng pagtaas ng projection, ang pinakabagong output forecast ng PSA para sa second quarter ay mas mababa pa rin ng 1.69 percent sa 4.15 MMT na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2017.
“Similarly, harvest area may contract to 932,640 hectares from the last year’s level of 947,190 hectares,” sabi ng PSA.
“Yield may probably decline by 0.2 percent from 4.38 mt per hectare in 2017,” dagdag pa nito.
“However, the 4.62 percent year-on-year expansion in the first quarter palay output would allow the country to surpass its total first half recorded production last year.”
Ang bansa ay nagprodyus ng 4.623 MMT ng palay mula Enero hanggang Marso, mas mataas sa 4.419 MMT na naitala sa first quarter ng 2017.
“The reasons behind the 4.62-percent increase in first quarter was the early planting and harvesting by farmers ‘due to construction of newly irrigation facilities from previous rainfed areas which encouraged the farmers to plant earlier than usual,” paliwanag ng PSA.
Bukod dito, ang mas mataas na umiiral na farm-gate prices ng palay ay humikayat sa mga magsasaka na isagawa ang pagtatanim at pag-ani sa first quarter mula sa second quarter.
Hanggang noong Hunyo 1, may 824,660 ektarya o 88.4 percent ng standing crop para sa April-to-June period ang naani na.
“Of the updated 595,240 hectares standing palay crop, 58.7 percent were at vegetative stage, 20 per-cent at reproductive stage and 21.3 percent at maturing stage,” dagdag pa nito. JASPER ARCALAS