PALAY SEEDS IPAMIMIGAY SA APEKTADONG PAMILYA SA ANTIQUE

palay seeds

MAMIMILI ang provincial government ng palay seeds para ipamigay sa mga magsasakang nagdurusa dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Sinabi ni Nicolasito Calawag, the Office of the Provincial Agricultu­rist (OPA) chief, na bibili ang provincial government ng palay seeds dahil maraming magsasaka ang apektado ng tagtuyot na hindi na nakapag-prodyus nang sapat na binhi para sa kanilang susunod na cropping season.

“We will be outsourcing palay seeds,” lahad niya sa isang panayam. Humiling na si Calawag ng Task Force El Niño, na kanya ring pinamumunuan, na maglaan ng PHP2 million para sa palay seeds.

Inilagay ang pro­binsiya ng Antique sa ilalim ng state of calamity noong Hunyo 13 dahil sa matinding epekto ng El Niño phenomenon.

“I will be asking for a PHP2 million allocation to buy palay seeds to be given to the farmers,” sabi niya.

Ayon sa magsasakang si Melvin Jamandron ng  Bongbongan II, Sibalom town, isang miyembro ng grupo ng magsasaka, Paghugpong sang mga Mangunguma sa Panay at Guimaras (Pamang­gas),  na tinapos na nila ang paghahanda sa mga lupang pagtataniman sa first cropping season pero naharap sila sa problema kung saan kukuha ng palay seeds para kanilang itanim.

“I am still having a problem where to get my seeds although I have already prepared my farmland for planting,” sabi ni Jamandron.

Sinabi ni Calawag na makikipag-ugnayan siya sa Department of Agriculture (DA) kung saan makabibili ng palay seeds. Dagdag pa niya na magsasagawa ng bidding para sa supply ng palay seeds.

“A sack of palay seeds costs PHP1,600 right now,” sabi niya. “One farmer will be given a sack of seeds for each hectare of farmland he is tilling.”

Dagdag pa niya na ang magsasakang bibigyan ay iyong natukoy na ng Municipal Agriculture Officers na mga apektado  sa 18 bayan ng probinsiya.  PNA

Comments are closed.