MALAKI ang bentahe ng Palayan City Capital laban sa defending champion San Juan Knights dahil gagawin ang Game 2 ng best-of-three Philippine Cup CBA finals bukas sa home court ng Palayan sa Gapan, Nueva Ecija.
Ayon kay team manager Ryan Ripalda, umaasa ang buong koponan na tatapusin na nila ang laban sa Linggo upang hindi na bumalik sa Manila ang laro. Bukod dito ay masarap, aniya, ang mag-champion sa home court. Kapag nasungkit ng Palayan ang kampeonato ay tatanggap sila ng premyong P1-million.
Naniniwala si Ripalda, dating player ng Lyceum, na gagawin ng Capital ang lahat upang maiuwi ang unang titulo sa Community Basketball Association na gagawin sa Gapan gymnasium.
“We’ll do our best to win again (in Game 2 on Sunday) and capture the championship in front of our home fans,” ani Ripalda sa 58th ‘Usapang Sports’ Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
“Abot-kamay na namin ito kaya gagawin na namin ang lahat na aming makakaya para manalo,” dagdag pa ni Ripalda.
Ang Palayan City ay suportado nina Palayan City Mayor Adrianne Mae Cuevas at team owner Bong Cuevas. Sa physical na laro sa unang pagtatagpo ng dalawang koponan ay nagwagi ang Capital, 79-74.
Si coach Alvin Grey ang head coach ng Palayan City Capital na nakontrol ang tempo ng laro.
Sino kaya itong nag-i-agent na pinagsabihan ng isang coach? Ang siste, kinakausap daw ni agent ang kanilang mga player. I-invite, pakakainin. Pagkatapos, kapag hindi umano pumirma ang mga player sa agent, ang mga ginastos sa players ay sisingilin kapag nakarating na ito sa professional league. Ayon kay coach, ayaw na niyang mangyari na magkaroon ng singilan. “Kung gumastos, kasalanan niya ‘yun kasi namuhunan siya. Ang mali dun, ‘pag ‘di pumirma saka sisingilin ang player,” imbiyernang kuwento ng coach.
Comments are closed.