PALENGKE, GROCERY AT TALIPAPA BUKAS NA

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 139 Series of 2021 na pumapayag sa mga palengke, grocery stores, at talipapas na mag-operate araw-araw maliban sa araw ng Lunes mula ala-1 hanggang alas-3 NG hapon para sa disinfection.

“Our COVID cases are decreasing that’s why we are easing some restrictions. However, we need to continue to be careful especially now that our country has confirmed cases of the Delta variant,” anang alkalde.

“While we shortened the disinfection hours, we expect operators and vendees to follow and enforce public health protocols, and conduct daily disinfection,” dagdag pa nito.

Gayunpaman,nagbabala ito na ang kabiguang magsagawa ng mga aktibidad sa paglilinis sa tinukoy na iskedyul ay maaaring humantong sa muling pagpapataw ng araw ng disinfection.

“We need to be vigilant lest we risk losing the gains we have achieved in our fight against COVID-19,”giit nito.

Hanggang nitong Hunyo 28, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,013 cases, 48 ang active, 371 ang namatay, at 10,594 ang mga gumaling. EVELYN GARCIA

50 thoughts on “PALENGKE, GROCERY AT TALIPAPA BUKAS NA”

Comments are closed.