PALIT IPHONE MODUS NI CHIEF TINULDUKAN NG CITF

IPHONE X

CAMP CRAME – KALABOSO ang isang chief of police sa Bulacan makaraang masilo sa entrapment operation ng pinagsanib na Counter Intelligence Task Force, Highway Patrol Group, Intelligence Group at sa koordinasyon ni Chief Supt. Amador Corpuz, regional director ng Police Region Office-3.

Sa ulat na nakara­ting sa PILIPINO ­Mirror, ini­reklamo ng hindi pina­ngalanang complainant si Supt. Jowen Dela Cruz, hepe ng Bocaue Police sa  CITF, makaraang humingi ito ng iPhone X na nagkakaha­laga ng P75,000 kapalit ng release na sasakyan ng kaniyang kapatid na lalaki na dinakip dahil sa paglabag sa Republic Act of 9165 o Dangerous Drug Act.

Dito nagsagawa ng entrapment operations sa pangunguna ni Supt. Joel Estaris, ang deputy commander ng CITF at nadiskubre ang modus nito.

Nadiskubre rin na anim na sasakyan pa ang nasa posesyon ng nasabing police official na hindi naman kasama sa inventory ng mga nakumpiskang item sa iba’t ibang police drug operation ng nasabing police station.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng CITF ang inarestong pulis.           THONY ARCENAL

 

Comments are closed.