QUEZON CITY – ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, PCSupt. Joselito Esquivel Jr. ang dalawang babae na kamag –anak ng mga suspek na naaresto sa anti-illegal drugs operations sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga inaresto ng Batasan Police Station (PS6) sa ilalim ng pamumuno ni PSupt. Joel Villanueva na sina Marcelina Pantinople-Ocfemia, 41, at Shenny Biong-Zilmar, 24, kapuwa mula sa Brgy. Payatas.
Nag-alok sa mga pulis ng P20,000 ang dalawa para sana sa kalayaan ng tatlong kaanak na sina Ringo Pantinople, 45, Jemeleen Ocfemia, 41, at Thomas Jefferson Zilmar, 29, kapwa mula sa Brgy. Payatas subalit tumanggi ang pulis at sa halip ay inaresto na rin sina Ocfemia at Zilmar.
Ang tatlong unang dinakip ay inaresto Linggo ng gabi sa buy bust operation at kasama umano sa listahan ng mga notoryus na nagbebenta ng droga sa lugar. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.