(Palitan P55.06:$1 na) PISO KONTRA DOLYAR HUMINA PA

PISO-VS-DOLLAR-2

HUMINA pa ang halaga ng piso kontra dolyar at nagsara ang palitan nitong Miyerkoles sa P55.06:$1, ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP).

Ito na ang pinakamahina sa nakalipas na 16 taon. Ang halaga ng piso kontra dolyar noong October 27, 2005 ay P55.08.

Nasa 29 sentimos ang natapyas sa halaga ng piso sa kalakalan nitong Miyerkoles mula sa P54.77:$1 noong Martes.

Ang resulta sa kalakalan sa local stock market ang nakikita ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort na nakaapekto sa halaga ng piso.

“The latest peso exchange rate movements partly due to the healthy downward correction in the PSEi today, after rising for three straight days, considered a healthy correction,” paliwanag niya.

“The latest currency movements also came after the US dollar corrected higher vs. major global currencies after continued hawkish signals from some Fed officials,” dagdag ni Ricafort.