MASUSING pinag-aaralan ng pamahalaan ang paghihigpit sa palm oil importations, partikular ang mga nagmumula sa Indonesia, upang maiwasan ang pagbaha sa local market at kasabay nito ay matugunan ang trade gap sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Many Piñol, ang Indonesia ay nag-e-export ng $1 bilyong halaga ng agricultural products sa Filipinas, karamihan ay palm oil, habang pinapayagan lamang nito ang $50 milyong halaga ng exports mula sa Filipinas.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na isang team ang ipinadala sa Indonesia upang matugunan ang trade gap at talakayin din ang pag-alis ng import restrictions sa Philippine horticultural at animal products. Ang restrictions na ipinataw ng Jakarta ay nagdulot ng malaking pagbaba sa dami at halaga ng shipments ng mga produktong pang-agrikultura.
Subalit sinabi ni Piñol na tila walang intensiyon ang Indonesia na buksan ang merkado nito.
Sa kabila nito, patuloy aniyang makikipag-usap ang Filipinas sa Indonesia.
Sa katunayan, sinabi ni Piñol na posibleng makipagpulong siya sa Indonesian ambassador sa linggong ito upang talakayin ang isyu.
Idinagdag pa ng DA chief na pinag-aaralan din ng pamahalaan ang pagpapataw ng taripa sa imported palm oil upang maiwasan ang pagbaha sa local market na hindi makabubuti sa local farmers.
“We could impose tariffs on these items so that we will be able to protect our local farmers and the local industry from further injury, and according to our WTO (World Trade Organization) negotiators, the Philippines could invoke a claim of injury on the industry,” aniya.
“Palm oil is one of the most widely-consumed vegetable oils around the world, with significant usage in food, cosmetic, hygiene products, biofuel, and a variety of other sectors. In recent years, Indonesia has been dominating the global palm oil industry with the world’s largest palm oil production and surging exports.” PNA
Comments are closed.