MUNTINLUPA CITY – ISANG ordinaryong preso na ang convicted kidnapper na si retired General Jovito Palparan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Noong Miyerkoles ng alas-7:45 ng gabi ay nailipat na sa NBP ang dating militar.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, naging maayos ang paglilipat kay Palparan sa bago nitong piitan mula sa detention cell sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
September 17 nang ibaba ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 ang hatol kay Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Kaugnay ito sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.
Ilan naman sa naging katrabaho at nakakikilala kay Palparan ang nagsabing nakaaawa ang dating heneral na ngayon ay may sakit dahil biktima lamang ito ng propaganda ng New People’s Army. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.