PAMAMAHAGI NG BALOTA SA LOCAL ABSENTEE VOTERS SIMULA NA

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng Local Absentee Ballots at poll paraphernalia para sa 2022 election.

Ang mga kagamitang ito ay ipapadala sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at maging sa mga media entities at corporations.

Magaganap ang Local Absentee Voting mula April 27 hanggang 29 para sa May 9 elections.

Una rito, nagsimula na rin ang overseas absentee voting nitong nakaraang linggo kung saan nasa 1.6 milyomg Pilipinong botante ang kwalipikado.