SUSPENDIDO muna ang pamimigay ng learning modules sa Zamboanga Del Sur matapos makapagtala ng local tranmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.
Nabatid na 12 barangay sa lalawigan ang apektado nang suspensiyon ng pamamahagi ng learning modules para sa pasukan ngayong taon.
Sinabi ng Department of Education Region 9 na itutuloy na lamang ang pamimigay ng module kapag gumaling na ang mga pasyente o nakakumpleto na ng kanilang quarantine.
Pinagwo-work-from-home muna ang public school district supervisors at school heads. DWIZ882
Comments are closed.