NILINAW ng Department of the Interiors and Local Government (DILG) na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) kahit pa nagtapos na ang deadline nitong Mayo 10.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang deadline naman ay indikasyon at panukat lamang sa performance ng local government units (LGUs).
Hanggat hindi aniya binabawi ng pamahalaan ang ibinabang pondo para sa SAP ay dapat tuloy-tuloy lamang itong ipamamahagi.
Dagdag pa ni Malaya na makakakuha lamang ng pondo para sa ikalawang tranche ng SAP ang mga LGU kapag nakapagsumite na sila ng liquidation report sa unang tranche ng SAP.
Comments are closed.