TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na patuloy ang kanyang public service kasabay ng personal niyang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan ng tulong sa Malvar, Batangas.
Personal na pinangunahan ni Go ang paghahatid ng tulong sa kanyang mga kapwa Batangueño sa bayan ng Malvar kung saan umabot sa apat-na-raang recipients.
Kabilang sa mga ipinamahagi ni Go ay mga grocery packs, mask, vitamins, pagkain at t-shirt habang may ilan ding nabigyan ng payong, cell phones at mga relo.
Namahagi din si Go ng mga bola ng basketball, volleyball at bisekleta bilang bahagi ng patuloy na kampanya ni Go na mailayo ang mga kabataan sa illegal drugs.
Tiniyak ni Go na ipagpapatuloy niya ang nasimulan ni dating Pangulong Digong na laban kontra sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon sa pamamagitan ng pag-engganyo sa mga kabataan na lumayo sa droga at ituon ang atensyon sa sports
Iginiit ni Go sa mga kababayan na hindi dapat magpasalamat sa kanyang at sa halip ay sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpapasalamat dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila na mga aniya ay “probinsiyano” na nabigyan ng pagkakataon na magsilbi sa bayan.
Samantala, hinimok ni Go ang mga kababayan na huwag mag-atubiling lumapit sa mga Malasakit Center kung kailangan ng medical help.
Si Go ay proud na may dugong Batangueño kung saan ang lolo at lola niya ay mula sa mga bayan ng Sto. Tomas at Tanauan.